Marcos Sr.: ‘Great to be back in Manila!’ | Global News

Marcos Sr.: ‘Great to be back in Manila!’

01:48 AM November 29, 2016

Ferdinand-Marcos-frozen-remains-AFP-Ted-Aljibe-620x349

INQUIRER/ AFP

EXCLUSIVE: Just two weeks after being given a hero’s burial at the Libingan ng Mga Bayani, the late dictator Ferdinand Marcos Sr. issued a statement expressing profound gratitude to President Rodrigo Duterte and the nation for the incredible honor.

The statement was sent from the netherworld to the respected media organization, the Committee for the Advancement of Creative Imagination and the Systematic Institutionalization of Rodrigo’s Aspirations, better known as CACI SIRA.

Article continues after this advertisement

CACI SIRA is proud to share with the nation the late dictator’s statement:

FEATURED STORIES

Kita mo nga naman ang buhay … ng patay.

Bagong Lipunan noon. Bagong Libingan ngayon. Pang-bayani pa.

Article continues after this advertisement

Uki nam, great to be back in Manila!

Article continues after this advertisement

‘Musta na kayo mga kababayan ko sa Metro Manila! Eto na naman ako, ang pinakamamahal ninyong Apo!

Article continues after this advertisement

Ako at sampu ng aking mga kabarkada ko dito sa Hades ay natutuwa at nagagalak na sa wakas nalibing ako sa Libingan ng Mga Bayani.

Bayani me sa wakas!

Article continues after this advertisement

Alam kong maraming masama ang loob sa pagkalibing sa akin sa LNMB.

Maraming nagra-rally. Maraming nagproprotesta.

Okay lang yon. Sanay na ko diyan. Sanay na sanay na ako sa mga maiingay na walang magawa.

E sa protesta nga ako nasipa sa Maynila, di ba.

Pero kita ninyo naman, I’m baaack!

Balik na naman sa City of Man! (ika nga ni misis.)

Ay naku, tatlumpung taon din ang hinintay ko bago makabalik ng Maynila. Dami nang nagbago. Daming mall. Grabeng trapik.

At pinakaimportante, dami nang hindi natatandaan at nalalaman ang mga kabulastugang pinag-gagawa ko!

Ay kawawang mga demonstrador. Kahit ilang ulit ninyo pang isigaw ang mga ginawa ko, konti lang nakikinig.

Maraming ‘ala nang pakialam.

E ano ngayon kung lampas $10 billion ang dinugas ko!

Excuse me, sabi ninyo 3,000 lang ang pinapatay ko. Parang kulang ha. I demand a recount sa sinabi niyong 70,000 torture victims. Kulang din iyon ha!

At lumang tugtugin yong pag-ngawa ninyo tungkol sa mga pinakulong at ginahasa at nilapastangan. Corny na ‘yan!

Tenkyu Loyalists.

At siyempre tenkyu Digong.

Maasahan ka talaga.

Pero di pa tapos trabaho mo ha. Si Junior ko, naghihintay at naghahanda. Super ready maging busy bilang iyong bise.

At alam namin medyo pagod ka na at sawa na sa trabahong di mo naman talaga ginusto.

Don’t worry Digong. Be happy!

Kung gusto mo nang bumitaw, at nakaposisyon na si Ferdinand Jr, nariyan lang ang mini-me ko. Puwede ka nang umexit!

Sa mga dati kong kalaban sa CPP! Mga kasama, taas kamaong pagbati! Prends ninyo si Digong, prends na rin tayo! Salamat sa suporta!

At sa mga galit pa rin sa akin, move on na kayo. Taob na kayo.

Ala na yang People Power-People Power na yan! Ala na yang mga human rights, human rights! Forget ninyo na yang ‘Never Forget’ na yan!

Marcos pa rin! Marcos pa more!

Pero no hard feelings. Kung gusto niyo dalawin ninyo naman ako sa LNMB.

Wag ninyo lang ako dyidyinggilan ha!

Visit and Like the Kuwento page on Facebook at www.facebook.com/boyingpimentel

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

On Twitter @boyingpimentel

TAGS: CACI-SIRA, Libingan ng Mga Bayani, Marcos hero’s burial controversy, Rodrigo Duterte, satire

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.