Full text: Nora Aunor’s speech at Migrante's commemoration rally | Global News

Full text: Nora Aunor’s speech at Migrante’s commemoration rally

/ 06:38 PM March 17, 2015

Photo by LG Eastwood Navarro

(Delivered March  17, 2015 at Mendiola, Manila on the occasion of Flor Contemplacion’s 20th death anniversary)

Noon pa man, naniniwala na po ako na ang ating mga OFW ang isa sa pinakaaping sector ng ating bansa. Isa rin po sila sa laging napapabayaan ng gobyerno. Kaya nang alukin po akong gawin at gampanan ang buhay ni Flor nang ito po ay isapelikula, hindi po ako nagdalawang-isip. Nang makilala ko po ang pamilya ni Flor ay lalo ko pong naintindihan ang sinasapit ng ating mga kababayan abroad. Kaya di po nagtagal gumawa kami ng dulang DH na tungkol din po sa ating mga kababayang OFW.

Article continues after this advertisement

Naririto po ako kasama ninyo upang makiisa sa panawagan na ating protektahan at ipaglaban ang mga kababayan nating OFW.

FEATURED STORIES

Taong 1995 nang bitayin si Flor Contemplacion sa Singapore at kasabay na namatay ang marami nating akala.

Akala natin ay paraiso ang maging migrante sa ibang bayan. Akala natin ay maaayos ang buhay ng ating mga pamilya sa pangingibang bayan ni tatay o ni nanay. Akala natin ay uunlad din ang ating bayan sa laki ng remittance na ipinapasok ng mga OFW (overseas Filipino worker) sa bansa.

Article continues after this advertisement

Mali pala. Kaya naman makaraan ang 20 taon mas masahol pa ang kalagayan ng mga migranteng Pilipino ngayon kaysa noong panahon ni Flor. At sa kabila ng walang-patid na mga kaso ng rape, pang-aabuso, pagmamaltrato, paglabag sa mga labor contract, pag-aresto, pagkulong, mas dumami pa ang lumalabas na OFW, na tinatayang 2 milyon bawat taon.

Article continues after this advertisement

Sa kabila nito, tuluy-tuloy ang lantarang atake sa kabuhayan at karapatan ng mga manggagawa at pamilya sa loob at labas ng bansa. Paparami at papalubha ang kalagayan ng ating mga kababayang nabibiktima ng pwersahang migrasyon at labor export policy ng gobyerno.

Article continues after this advertisement

Ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing pinanggagalingan ng mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment, pang-aabuso, pangmamaltrato, pangongotong, rape at sexual harassment, pang-aalipin, pagpatay, crackdown, diskriminasyon, kalamidad at krisis sa ibang bansa. Lalong dumami, milyun-milyon, ang mga nabiktima sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino. Karamihan sa kanila ay napipilitang lumabas ng bansa sa paraang ligal man o ligal, at nakararanas ng mapagsamantalang mga kundisyon sa labas ng bansa.
Sa kabila nito, nananatiling hungkag at ilusyon ang “matuwid na daan” at pagpapakitang-tao ni Noynoy, na hindi na natin aasahang magpapatupad pa ng matinong programa para sa mga OFW.

Ang totoo, si Noynoy mismo ang pangunahing tagabenta, pahirap at pahamak ng ating mga kababayan. Dahil sa kanyang mga patakaran at kawalang-aksyon, dahil sa kanyang pagpapakatuta sa imperyalistang dayuhan, siya mismo ang nagtataboy sa ating mga manggagawang Pilipino na lumabas ng bansa. At dahil sa kanyang patuloy na pagpapatupad ng patakarang labor export, siya ang pinakamasahol na pangulo para sa migranteng Pilipino at pamilya.

Article continues after this advertisement

Ibig sabihi’y tumitindi pa ang kahirapan, sahod-alipin o di-nakabubuhay na sahod, kawalan ng empleyo, at pambubusabos sa loob mismo ng ating bansa. Pinalala pa ito ng pangungulimbat sa kaban ng bayan ni Aquino at kanyang mga alipores. Dahilan ito para lalong maghimagsik ang migrante at mamamayan.

Pero tama ang akala na may paraan pa. Kung tayo’y nagkakaisa at sama-samang nakikibaka. Hindi lamang ang mga migrante at kanilang pamilya kundi kasama ang malawak na bilang ng mamamayan.

Walang araw na hindi tayo nakikipaglaban sa mga kaso ng karapatan at kagalingan ng mga migrante. Ngunit ang mga ito’y kagyat at pansamantala, at pabalik-balik lang na mga problema.
Ang higit na mahalaga’y lutasin mismo ang ugat ng problema. Hindi na natin kailangang mangibang-bayan pa kung may trabaho sa bansa na kayang bumuhay ng pamilya. Kung may pambansang industriyalisasyon. Kung may tunay na reporma sa lupa. Kung may tunay na pagbabago sa bulok na sistema.

Hindi na natin kailangan pa ang maraming biktima ng pangangalakal, pang-aalipin at pagsasamantala. Hindi na natin kailangan ng mga pamilyang naulila’t nagdurusa para sabihin sa ating mga sarili: “Tama na, sobra na! Noynoy, resign na!”

Kailangan na natin ng tunay na pagbabago sa lipunang ito.

Noynoy, papet, pahirap at pahamak sa migranteng Pilipino at pamilya! Nakabubuhay na sahod sa Pinas, hindi trabaho sa labas! Serbisyo, hindi negosyo! Proteksyon, hindi koleksyon!
Labor export policy, ibasura! Tama na, sobra na! Noynoy, resign na! Umalis ka na diyan! Ito po ang gusto ko at gusto nating lahat.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

READ: Nora Aunor on Aquino: ‘He should not have been elected president’

TAGS: Benigno Aquino III, Celebrities, Government, Nora Aunor, Politics

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.