What God told Duterte: Complete transcript | Global News
Kuwento

What God told Duterte: Complete transcript

/ 12:27 AM November 05, 2016

By now, most of you have heard about President Duterte’s conversation with God when Digong promised the Almighty he would no longer curse.

The Committee for the Advancement of Creative Imagination and the Systematic Institutionalization of Rodrigo’s Aspirations — or simply CACI SIRA — is releasing the official transcript of that historic exchange:

GOD: So wag ka na magmumura ha, Rodrigo?

Article continues after this advertisement

DUTERTE: Ah yes Lord. Pramis.

FEATURED STORIES

GOD: Kahit pintasan ka ng mga foreign media, wag mo silang tatawaging mga tarantadong ulol, okay?

DUTERTE: E kung tawagin ko lang ulol, Lord?

Article continues after this advertisement

GOD: Huwag.

Article continues after this advertisement

DUTERTE: Ah yes, Lord. Pangako po.

Article continues after this advertisement

GOD: Kahit sabihing walang kuwenta ang pamumuno mo, huwag mo silang bubulyawan nang ‘Tangina kayong mga gago,’ ok?

DUTERTE: E kung local media lang po ang murahin ko nang ganoon, Lord?

Article continues after this advertisement

GOD: Huwag.

DUTERTE: Ah, opo, hindi na po.

GOD: Kahit sabihin nilang napakabastos mo, huwag mo nang patunayang totoo nang sunud sunod na putangina, okay?

DUTERTE: E minsan kasi nakakapikon na sila, Lord, e. Mga put-

GOD: Oh oh, anong sinabi ko..

DUTERTE: Ah, opo, Lord, quiet lang ako.

GOD: Pag may mga grupo sa abroad na pumupuna sa gobyerno mo, tulad ng Amnesty International or maski United Nations, wag mo silang ngangatngatan at sasabihan ng ‘Pak Yu!’ okay Rodrigo?

DUTERTE: E Lord, sobra naman talaga yong mga foreigner na yon. Hilig makialam e mali mali naman yong mga impormasyon nila. Human rights nang human rights. Puro human rights na lang. E nakakainsulto na talaga Lord e. Parang iniismol lang ako. Kala mo kung sino yong mga kingi–

GOD; Oh, oh, ano ba naman, Rodrigo. Kasasabi lang e,.

DUTERTE: Sorry po, Lord. Di lang po ako makapagpigil.

GOD: E dapat nga makapag pigil ka. Hindi maganda yong presidenteng laging nagmumura. Hindi magandang halimbawa sa mga kabataan kung malaswa lagi ang lumalabas sa bibig mo, Rodrigo. Dapat maging huwaran ka.

DUTERTE: Opo Lord. Pagsisikapan ko talaga, po.

GOD: At pag uminit ang ulo, huwag namang bigla bigla na lang mumurahin mo ang kung sino-sino. Tulad ni Pope Francis. Ala namang ginawa sa yo yong tao, binanatan mo nang malutong na mura.

DUTERTE: E kasi naman, Lord, grabe talaga yon trapik dahil sa kanya. Nakakapwerwisyo talaga.

GOD: Tapos si Barack Obama, bakit ba ang init init ng dugo mo sa presidente ng Amerika e wala pa nga kayong napaguusapan na pwedeng ikagalit mo. Pinapapunta mo pa sa impiyerno.

DUTERTE: E alam ninyo naman ang mga Kano, Lord. Matagal nang minamaliit ang mga Pinoy.

GOD: E di sabihin mo yon. Ipaliwanag mo. Wag mo nang haluan ng mura.

DUTERTE: Opo pramis, Lord. Di na po mauulit.

GOD: Pero ang totoo, hindi yong pag mumura mo ang pinakamasakit sa kin.

DUTERTE: Ha? E ano nga po, Lord.

GOD: Rodrigo, lampas 4,000 na ang mga Pilipinong pinatay dahil sa iyo.

DUTERTE: Pramis, Lord, di na ko magmumura.

GOD: Narinig mo ba yong sinabi ko, Rodrigo?

DUTERTE: No more cursing, Lord. Aprub po.

GOD: Tapos na tayo sa mga mura mo, Rodrigo. Di mo naiintindihan? Mas malaking kasalanan yong mga patayan pinasimunuan mo…

DUTERTE: Ay teka, Lord, maglalanding na pala kami sa Maynila.

GOD: Hoy teka, Rodrigo, di pa tayo tapos.

DUTERTE: Fasten seat belts na raw, Lord.

GOD: Hoy Rodrigo, importante ito. Tigil mo na yong patayan.

DUTERTE: O sige po, Lord. Saka na natin ituloy ito. Tenkyu na lang po …

Visit and Like the Kuwento page on Facebook at www.facebook.com/boyingpimentel

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

On Twitter @boyingpimentel

TAGS: CACI-SIRA, extrajudicial killings

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.