Cardinal Tagle calls for prayers for Italy quake victims
Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on Friday called on Filipinos to pray for the victims of the deadly quake that struck Italy, which had taken more than 250 lives.
“Tayo po sa Pilipinas ay malimit makaranas ng sakuna, mga bagyo, lindol, kahirapan, kurapsyon at iba’t-iba pang kaguluhan. Bagamat sinasabi natin na sanay na tayo kapag tayo’y nakakakita pa din ng sakuna lalo na sa ibang bansa nayayanig pa rin ang ating puso at ito ang nararamdaman natin ngayon sa nangyari sa Italy,” Tagle said over church-run Radyo Veritas.
“Ipagdasal natin ang mga kapatid natin, ang mga namatay at ang mga nawalan ng bahay at ang patuloy pang naghahanap ng kanilang mahal sa buhay sa Italy. Panawagan ko po sa ating lahat na ikonekta natin ang ating isip at puso sa mga kapatid natin sa Italy at ipanalangin natin sila,” he added.
A 6.1 magnitude quake hit central Italy in the early hours of Wednesday. Aftershocks rattled the quake zone as the search for survivors went on.
Tagle said Filipinos should reach out to people in disaster-stricken countries as brothers and sisters, in the same way that they extended their help and prayers when calamities hit the Philippines.
Article continues after this advertisement“Dahil sa lindol naalala natin na tayo ay magkakapatid, lahat tayo ay vulnerable at kung papaano tayo dinamayan ng buong mundo nung tayo ay nasalanta ng bagyo, sana po tayong mga Pilipino ay marunong din dumamay,” he added.
Article continues after this advertisementTagle also called on everyone to play their part in taking care of the environment to prevent worsening the effects of natural calamities.
“O Diyos, batid mo po ang hinagpis ng mga tinatamaan ng lindol, kami po ay walang kalaban-laban kapag dumating ang mga ganitong sakuna, ang tangi namin pag-asa ay ikaw, kumakapit po kami sa inyo tanggapin mo po sa iyong kaharian ang mga pumanaw, ang mga sugatan at ang nabuhay ay inyo namang hilumin at ang buong mundo nawa ay maantig, sama-sama nawa kaming kumilos para tulungan ang aming mga kapwa at sama-sama din kumilos na alagaan ang kalikasan ito po ay aming hinihiling namin sa inyo Panginoon, sa ngalan ni Kristo, kaisa ng Espiritu Santo, Amen,” the cardinal said in his prayer.