Sa mga Pilipinong boboto kay Trump | Global News
Kuwento

Sa mga Pilipinong boboto kay Trump

/ 11:06 PM August 08, 2016

Sana konti lang kayo.

Sana mas kumonti pa kayo.

Sa Facebook, sa mga grupo ng mga Pilipinong sumusuporta kay Donald Trump, mga limang libo ang bilang ko. Mas marami pa malamang.

Article continues after this advertisement

Sampung libo, sandaang libo, limandaang libo sa lampas tatlong milyong Pilipino sa Amerika. Mukhang konti lang.

FEATURED STORIES

Pero nakakabagot pa rin isiping nariyan kayo. Nakapagtataka. Nakakadismaya.

Paano ninyo masusuportahan ang isang butangero?

Article continues after this advertisement

Ang isang kandidatong gustong ipagbawal ang bawat Muslim sa Estados Unidos. At ngayon, hindi na lang mga Muslim, pati na ang tao mula sa ibang bansa, pati na ang Pilipinas.

Article continues after this advertisement

Galing daw tayo sa bansa ng mga terorista. Yong mga kamag-anak daw nating gustong pumunta rito, kahit bisita lamang, baka meron daw sa kanila e mga terorista.

Article continues after this advertisement

“We have a lot of problems in our country,” sabi niya sa isang rally sa Maine. “We have border problems. People are pouring into our country. We have no idea who they are. We’re going to build a wall folks, don’t worry about it.”

Paano ninyo mapagkakatiwalaaan ang isang taong binalasubas ang mga Mexicano na tinawag niyang mga rapist at kriminal?

Article continues after this advertisement

Bakit kayo maniniwala sa taong nagyayabang na magpapa tayo siya ng ga-higantent pader sa border ng Amerika at Mexico — at pipilitin niyang ang mga Mexicano ang magbayad?

Bakit ninyo iboboto ang isang gulangero?

Tanong ninyo kay Andrew Tesoro, isang arkitekto na kinontrata ni Trump para sa pagpapatayo ng isang clubhouse sa New York.

Sa halip na ang pinagkasunduang $140,000 ang ibinayad sa kanya, dinuro siya ng mga tauhan ni Trump. $50,000 na lang, sabi nila, ayon sa report sa Forbes.

Ano nga naman ang laban niya sa milyonaryong makapangyarihan? Payag na lang. Pero tapos, binalasubas pa uli.

“You’re a nice guy, you’re a good architect, I’ll give you half of that $50,000,” sabi sa kanya ni Trump, ayon kay Tesoro.

Sa halip na $140,000, mga $25,000 lang ang nasingil ng arkitekto.

Bakit hindi siya nagdemanda?

“I’m a shop with five people,” paliwanag niya sa Forbes. “I don’t have a lawyer on retainer. I consulted a lawyer and he said it would be very expensive to fight Trump.”

Tapos, ganoon talaga e. Alam niyang di lang siya nagulangan.

Totoo. Pero marami ring pumalag kay Trump. Lampas apat na libong kaso ang isinampa kay Trump at mga kompanya niya nitong nakaraang tatlong dekada, ayon sa USA Today.

Pero kahit kalimutan na natin ‘yong mga negosyanteng dinenggoy ng kandidato ng mga Republicans, wag na nating isali sa usapan iyong mga iskandalo mula sa nakaraan, gusto ninyo ba talagang pamunuan ng isang taong tila walang kahit anong paggalang sa iba’t ibang klaseng tao?

Na ganoon ganoon na lang kung bastusin ang mga pamilya ng mga sundalong nagsakripisyo para sa bayan niya.

Ang mga kababaihan.

Ang mga minoridad, kasama na ang mga Pilipino.

“When Mexico sends its people, they’re not sending their best. They’re not sending you. They’re not sending you. They’re sending people that have lots of problems, and they’re bringing those problems with us. They’re bringing drugs. They’re bringing crime. They’re rapists.”

Ang mga may kapansanan.

Ang mga hindi nakapagtapos o nakapag aral.

At pinagmamalaki pa niya, sa paraang nakakainsulto.

“We won with poorly educated. I love the poorly educated!”

Sa mga Pilipinong boboto kay Trump.

Sana konti lang kayo.

Sana iilan lang kayong magpapaloko.

Visit and Like the Kuwento page on Facebook at www.facebook.com/boyingpimentel

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

On Twitter @boyingpimentel

TAGS: Donald Trump, Filipino Trump supporters, US presidential election

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2025 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.