Quantcast
Article Index |Advertise | Mobile | RSS | Wireless | Newsletter | Archive | Corrections | Syndication | Contact us | About Us| Services
 
Sun, Sep 21, 2014 02:01 AM Philippines      25°C to 33°C
 
  Breaking News :    
Advertisement
Cathay Land
Xoom

INQUIRER ALERT
Get the free INQUIRER newsletter
Enter your email address:




 
Global Nation / Mailbag Type Size: (+) (-)
You are here: Home > Global Nation > Mailbag

  ARTICLE SERVICES      
     Reprint this article     Print this article  
    Send Feedback  
    Post a comment   Share  

  RELATED STORIES  





imns



A Poem for Linggo ng Wika in August


INQ7.net
First Posted 18:08:00 07/18/2006

Filed Under: Arable Farming, Advanced Training, Around the world, Consumer Goods, Culture (general), Customs & Traditions, Employment, Holidays or vacations, Tourism & Leisure

As an OFW, I have observed culture, food, place, and environment in Asia and in Europe on my travels. I?m writing about them in Tagalog poetry intentionally, to commemorate Linggo ng Wika (Language Week) in August, and also to greet my wife Naomi and two sons Nikko and Marco, the inspirations for this creation.

Manlalakbay

Bilang paggunita sa Linggo ng Wika
Inihahandog ko itong munting tula.
Inyong punuan, kung kulang ang diwa,
Abang linkod ninyo?y di tunay na makata.

Kundi manlalakbay sa agos ng panahon,
Panahong ginugugol sa trabaho maghapon.
Sa aking opisyo?y maraming naging hamon,
Sa trabaho, paglalakbay ang pagkakataon

Na aking marating kay raming ibang bansa
Ang ila?y sa Asya ang iba nama?y sa Europa,
Naranasan at nalaman ang maraming kultura
At ibang mga lugar sa ating baya?y nakumpara.

Karanasan at Obserbasyon

Doon sa Thailand kulturang naranasan
ng mga taong lubos kung gumalang,
Daop palad silang yuyuko sa harapan
Kay init ng pagtanggap sa isang kaibigan.

Pagkaing kay sarap kahit may kaanhangan
Sa kilalang tomyum ang sili?y lumulutang.
Gigiti ang inyong pawis pag inyong natikman
Sabay sipol ng matinis sa tindi ng anghang!

Tulad ng Korea at ng bansang Japan,
Kay ganda ng tanawin, sadyang kaayaaya.
Panahon ng taglamig, blossom tree?y makikita
Mga puting bulaklak, busilak at kay ganda.

Hong Kong na tinaguriang lunsod pamilihan
Kay daming turista ang doo?y pumipisan.
Dito rin makikita ang maraming kababayan
Na nagtatrabaho?t nakikipagsapalaran.

Maliit ang Singapore ngunit bansang kay yaman,
Kay linis ng paligid, displina?y kay inam.
Iba?t ibang lahi dito at kultura?y matatagpuan -
Chinese, Malay, at marami ring Indian.

Nang marating ko ang bansang Indonesia,
Diwa ko?y napukaw sa aking nakita.
Bansang Pilipinas ay aking naalala,
Dahil sa sitwasyong halos magkapara.

Sa isang bansang kay gulo ako ri?y napadpad,
Pakistan kung tawagin, ang tao?y mabalbas,
Kasuutang kay haba, ang amoy ay maaskad
Marumi ang paligid, pulang lura?y namalas.

Sa tatlong linggong pagpisan, ako dito?y nagtiis,
Lagi na lang may kaba tuwing ako ay aalis.
Mula gusaling tirahan hanggang sumapit
Sa lugar na kay layo at sabana ang paligid.

Doon sa New Zealand, akin ring napuntahan
Lugar na kay lamig, nagyeyelong bundukan.
Ang mag ice skiing dito?y aking nasubukan
At water rafting, sa speedboat nakalulan.

Adventure na kay ganda doon sa Switzerland
Tanyag na Mt. Pilatus ay aking nasumpungan,
Ang umakyat sa tuktok, 7 libong talampakan,
Halos langit ay maabot sa kaligayahan.

Mga lugar sa bansang China na aking narating:
Shanghai, Guangzhou, Guandong at Shenshen.
Sa Guandong SARS at bird flue ay nanggaling,
Sa awa ng Diyos, wala akong naging suliranin.

Sa Hanoi, Vietnam nama?y namalas ang kahiparan
Ng mga mamamayang magsaka ang kabuhayan
Lugar na kay lungkot at halos kabukiran,
Maliliit na gusali sa kalyehong walang buhay.

Ngunit sa kabila ng kanilang kahirapan,
Napansin ko kanilang tiyaga at kabaitan.
Tahimik ang paligid at walang kaguluhan,
Dayuhan ka man dito, seguridad ay kay inam.

Mga lahing puti namang nakasalamuha
Doon sa Europa at iba?t ibang dako sa Asya,
Mapagmataas at mapanghamak na ugali?y napuna
Pag kaharap ang pango, singkit at kayumanggi ng Asya.

Paalala sa Linggo ng Wika

Ngunit marami rin akong napapansin
Sa mga Pilipino sa labas ng bansa natin -
Halos talikuran na ang kultura?t wikang angkin,
Masalimuot na dahilan nito?y mahirap arukin.

Kaya?t sa kapwa Pilipino ang payo ko lamang,
Ang sariling wika?y huwag niyong kalilimutan.
Saang dako ka man, dapat mong igalang
Ang diwa at dila ng lahing pinagmulan.

Sa ating paggunita ng Linggo ng Wika,
Inyo pa bang naaalala mga bayani ng bansa?
Si Francisco Baltazar, ama ng ating tula,
Dala?y kasaysayan nitong Inang Bansa.

Tandaan din ang pangaral at halimbawa
Ni Dr. Jose Rizal na noon ay nagwika,
?Ang hindi magmahal sa sariling wika,
ay higit pa sa hayop at malansang isda?.


Ronillo A. Luciano(lar_320@yahoo.com.sg)



Copyright 2014 INQ7.net. All rights reserved. This material may not be published, broadcast, rewritten or redistributed.


Share

RELATED STORIES:

OTHER STORIES:


  ^ Back to top

© Copyright 2001-2014 INQUIRER.net, An INQUIRER Company

The INQUIRER Network: HOME | NEWS | SPORTS | SHOWBIZ & STYLE | TECHNOLOGY | BUSINESS | OPINION | GLOBAL NATION | Site Map
Services: Advertise | Buy Content | Wireless | Newsletter | Low Graphics | Search / Archive | Article Index | Contact us
The INQUIRER Company: About the Inquirer | User Agreement | Link Policy | Privacy Policy

Advertisement
Robinsons Land Corp.
Philippine Fiesta
Pista sa Nayon
Dept. of Tourism San Francisco