Bongbong Marcos, hindi mo mabubura ang nakaraan | Global News
Kuwento

Bongbong Marcos, hindi mo mabubura ang nakaraan

/ 10:04 PM January 26, 2016

bong

Bongbong Marcos. INQUIRER FILE

Si Bongbong, si Ferdinand Marcos, Jr., pangunahing tagapagtanggol ng kapangalang diktador, gustong maging vice president dahil hindi raw siya ang nakaraan.

Hindi raw siya ang nakaraang iniluwal ni Marcos Sr. — nakaraang nababad sa dugo at kabulastugan, sa pagnanakaw, sa tortyur, sa pang-aabuso sa mga nangahas kumalaban sa diktador, sa mga karaniwang Pilipino.

Article continues after this advertisement

Hindi raw siya yon, sabi ni Marcos Jr.

FEATURED STORIES

At hindi lang yon ang sinasabi ni Bongbong. Ang nakaraang ibinibintang sa tatay niya, sa butangerong walang tigil niyang pinagtatanggol, hindi raw nangyari iyon.

‘Hindi nangyari ang nakaraan. Guni guni niyo lang iyon.’ Iyon talaga ang sinasabi ni Marcos Jr.

Article continues after this advertisement

Iyong dinugas na 10 bilyong dolyares noong panahon ng diktador, na dahilan kung bakit No. 2 si Marcos Sr. sa listahan ng mga pinakasakim na pinuno na sa kasaysayan (Google ninyo ang “most corrupt leaders”) … hindi raw nangyari iyon.

Article continues after this advertisement

Iyong 70,000 na pinakulong, mga bigla na lang dinampot ng military, iyong mga pinatapon sa Crame, Aguinaldo o Bicutan nang walang dahilan, iyong mga itinago sa mga pamilya nila sa mga safehouse ng mga ahente ni Marcos … hindi raw nangyari iyon.

Article continues after this advertisement

Iyong lampas 3,000 taong pinapatay ng diktador, iyong mga minasaker sa picket line at mga baryo, iyong mga desparecido, iyong mga pinapatay na lang nang basta basta — mga biktima ng salvage … hindi raw totoo ang mga ito.

(Nagtataka siguro ang ilang kabataan. ‘Salvage? E di niligtas sila ni Marcos?’ Salvage ang tawag nga ng militar ni Marcos sa pagligtas sa kalaban ni Marcos: Pinapatay na lang sila.)

Article continues after this advertisement

Iyong lampas 30,000 na pinahirapan, mga tinortyur sa mga kampo at safehouses ng militar, iyong mga ginahasa, pinahiga sa yelo, kinuryente ang mga ari, silang mga nagkuwento ng sari saring mga abuso sa Amnesty International at iba pang mga human rights organizations, hindi raw nangyari iyon.

Hindi raw nangyari ang nakaraan, sabi ni Bongbong.

philippines-massacre-2009-12-10-18-15-37

Gawa gawa lang daw ng mga tanyag na international human rights groups, ng mga nagkaroon ng tapang na kalabanin ang diktador.

Hindi ako ang nakaraan, sabi ni Bongbong. Gusto niyang manalo. May pag asa raw siyang manalo bagamat kahiya-hiya sa mundo, kung manalo siya, sabi ni Senator Serge Osmena.

Dami pa nating problema, marami bunga ng nakaraang binalasubas ni Marcos Sr., kaya maaari nga sigurong magwagi ang isang walanghiyang mangangahas sabihin na hindi nangyari ang nakaraan.

Pero di bale. Wag kayong mag-alala.

Kung manalo nga si Bongbong, kung makalusot (sa tulong ng nakaw na yamang dinugas ng pamilya niya) si Marcos Jr., siyang tagapagtanggol ni Marcos Sr., anim na taon nating babalikan ang nangyari sa atin.

Anim na taon nating pag uusapan, ipapaalam at ipapaliwanag nang mas malawak at mas malalim ang pagnanakaw, pandurugas, pambubutangero, panggagahasa, ang mga kasinungalingan at kawalanghiyaang dinaanan ng bayan natin.

Anim na taong mailalabas muli at mababalikan ang mga kuwento tungkol sa lahat ng ito.

Anim na taong mapapakita kay Bongbong: “Hinding hindi mo kayang burahin ang nakaraan.”

Visit the Kuwento page on Facebook at www.facebook.com/boyingpimentel

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

On Twitter @boyingpimentel

Like us on Facebook

TAGS: Ferdinand Bongbong Marcos Jr., Marcos dictatorship

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2025 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.