Nahaharap ang mga bagong dating sa mga pagsubok sa mababang hanapbuhay kaysa sa kakayahan

Halos kalahati (49 porsiyento) ng mga dumating sa Canada sa loob ng nakaraan o kulang pa sa isang taon ay mababa ang hanapbuhay kaysa sa kanilang kakayahan, ayon sa isang pagsisiyasat ng RBC. Kahit na matapos ang anim hanggang sampung taon na paninirahan sa Canada, ang isang ikatlong bahagi (32 porsiyento) ng mga bagong dating ay patuloy na nakararamdam na ang kanilang kakayahan ay tinuturing na mababa pa rin kung ihahambing sa kalalabasan sa bansa na kanilang pinagmulan.

Ayon sa pagtatala, ang karamihan (52 porsiyento) ng mga bagong dating ay itinuturing ang kanilang tagumpay ayon sa kanilang karera, kasama rito ang magandang pasahod na naaayon sa kanilang kadalubhasaan. Dagdag pa, ang mga kalalakihan (43 porsiyento), malimit kaysa sa kababaihan (28 porsiyento), ay may paniniwala na ang kanilang hanapbuhay sa kasalukuyan ay mababa ng isang baitang kaysa sa dati o sa maaaring maging hanapbuhay sa bansa na pinanggalingan.

“Matapos mapagdaanan ng mga bagong dating ang ilang pagsubok sa kanilang karera sa Canada, sila ay nakagagawa ng malaking tulong sa kabuuan ng produktibo at pagkakaiba ng Canada,” ayon kay Camon Mak, direktor, Multicultural Markets, RBC Royal Bank. “Ang Canada ay itinayo sa pamamagitan ng imigrasyon – mga bagong kakayahan at mga kayamanan ang patuloy na nagiging susi sa paghahatid ng pandaigdigang tagumpay ng ating bansa.  Mahalaga na tulungan natin ang mga bagong dating na makaayos agad sa kanilang bagong bansa at mga hanapbuhay. Ang RBC ay naririto upang magkaloob sa kanila ng kaukulang payo sa pananalapi para sa kanilang tagumpay.”

Sa kabila ng kahalagahan ng pagkakaroon ng tinatamasang hanapbuhay, 42 porsiyento lamang ng mga imigrante ang nagpahiwatig na sila ay lumikom ng impormasyon tungkol sa mapagpipiliang karera sa Canada bago nagpasiya na lumipat sa bansa. Dalawampu-at-siyam na porsiyento ang naghanap ng impormasyon upang matiyak kung kailangan ang kanilang karanasan sa karera; 24 na porsiyento ang nagsiyasat kung kailangan na sila ay muling kumuha ng sertipikasyon upang matugunan ang mga pamantayan ng Canada. Gayon pa man, habang hindi pa nila natatamo ang “ninanais na hanapbuhay”, 12 porsiyento lamang ang nakatali sa hanapbuhay na malamang ay hindi maging daan sa kanilang ninanais na hanapbuhay.

Nag-bigay si Mak ng tatlong payo upang makatulong sa pagtatagumpay ng mga bagong dating sa Canada:

1) Gumawa ng sariling pagsusuri – Tiyakin sa maagang panahon kung ano ang inyong kailangan. Ang RBC ay naghahandog ng payo sa mga bagong dating at nagkakaloob ng mga pamamaraan upang makatulong sa paglipat, kasama rito ang pagsusulat ng pangsariling resume at mga pabatid sa paghahanap ng trabaho. Ang mga ito ay maaaring maging pagkakaiba ng pagkakaroon ng magandang hanapbuhay sa larangan ng inyong kaalaman o magtrabaho lamang upang matugunan ang mga pangangailangan.

2)   Maghanap ng mga kaalaman na makapagbibigay ng mga pagkakataon – Maraming mga seminars para sa mga bagong dating, tulad ng “7 Success Secrets for Canadian Immigrants” (www.prepareforcanada.com). Ang mga ito ay naghahadog ng magagandang pagkakataon upang makakuha ng walang kasinghalagang payo, makihalubilo at makakilala rin ng ibang bagong dating.

3) Magtakda ng isang badget at subaybayan ang inyong gastos – Samantalahin ang mga online tools sa pagbabangko upang matulungan kayo sa inyong badget at sa pamamahala ng inyong buwanang paggasta matapos makarating sa Canada. Halimbawa, ang “myFinanceTracker” (www.rbcroyalbank.com/myfinancetracker) ay kusang sinusuri ang inyong mga transaksyon, sumusubaybay sa mga gastos at naghahandog ng mga paunang  kakayahan sa pagbabadget para sa lahat ng pansariling pagbabangko at mga account ng credit card.

Higit pa sa pitong henerasyon, ang RBC ay sumusuporta sa mga bagong dating sa pagbibigay ng mga pamamaraan at mga bagay na makatutulong sa pagbibigay ng maayos na kalagayan sa bagong bansa. Ang RBC Welcome to Canada package ay makatutulong sa mga bagong dating sa Canada ng mababa sa tatlong taon at siyang magiging susi nila sa pagpapasya tungkol sa pananalapi at kabilang ang payo at mga diskuwento sa mga produkto at mga serbisyo. Ang mga detalye sa RBC Welcome to Canada banking package, at ang gabay-aklat “Understanding Banking in Canada”, gayon din ang mga tagahanap ng sangay na kumikilala sa mga kinatawan nito na nagsasalita nang hanggang sa 180 na wika, ay matatagpuan sa www.rbc.com/settlequick. Ang mga tao sa buong mundo ay maaaring makakuha ng impormasyon sa paglipat sa Canada, kabilang ang listahan ng mga payo na pangpinansiyal at marami pang iba, sa www.rbc.com/canada

Read more...