outbrain
Close  
Kuwento

‘Gago’

/ 09:57 PM April 18, 2016

WATCH: Duterte explanation of rape joke

ADVERTISEMENT

“Iyong mga gago, ganoon magsalita.”

Iyon ang pinakatotoo sa sinabi ni Rody Duterte noong pinagtanggol niya ang kanyang “rape joke.” (Panoorin ninyo sa YouTube, nasa 13:48.)

FEATURED STORIES

Problema daming dinamay ni Mayor sa pagiging gago.

Kasi hindi lang kababaihan ang nilapastangan ni Duterte noong pinagtanggol niya ang kanyang “rape joke.” Ininsulto rin niya ang mga mahihirap, lalo ang ang mga kalalakihan.

Tingin ni Duterte, matapos makipag sagupaan sa mga kriminal e natural lang na magbiro tungkol sa panggagahasa sa mga biktima?

Tingin ni Duterte, dahil sa sobrang galit, ‘alang problema kung sabihin mong sana nakasali ka sa rape?

Ganoon talaga e. Ganoon talaga ang mga galing “sa ibaba,” silang mga galing sa hirap.

Ito ang tumingkad dahil sa mga pinagsasabi ni Duterte, lalo na’t marami pa ring sumusuporta sa kanya: Lakas pa rin talaga ng kulturang pa-macho sa mga Pilipino. Marami sa atin dumaan dito, tinuruang isipin na lampa ang mga babae, sexual object, walang alam.

Unti-unti, nababago ito dahil sa maraming hirap ng mga aktibistang kumalaban sa ganoong pag-iisip.

ADVERTISEMENT

Isa na dito ang kaibigan kong si Jean Enriquez, aktibista, peminista. Ilang taon na siyang nangangampanya sa isyung ito. Tapos, bigla-bigla na lang ginagago ang mga pinaghirapan niya at marami pang iba ng kandidatong mahilig sa usapang gago.

“Araw-araw kong kaharap ang isyu ng panggagahasa at sekswal na karahasan,” sabi ni Jean sa Facebook. “Masakit na mensahe sa kababaihan. Maling mensahe sa kalalakihan. Hindi lang ninyo pinipigaan ng kalamansi ang sugat nila, pinapatibay niyo pa itong ‘rape culture.’ Isa sa bawat sampung Pilipina ay nakaranas ng sekswal na karahasan. …

“Bumabara ang luha ko sa lalamunan. Ang dami ko pang gustong sabihin. … Simula pa lang ito ng laban.”

At ‘yong labang ito, hindi lang sa “gutter” na tinutukoy ni Duterte. Hindi lang sa tinawag ni Duterteng “sa ibaba” kung saan daw siya nanggaling.

enriquez

Ang aktibista-peministang si Jean Enriquez binabatikos si Duterte.

“Maraming mahihirap na lalaki ang sumiklab din ang kalooban sa sinabi ni Mayor,” sabi ni Jean.

“A rape joke is a rape waiting to happen.”

Hindi iyan galing sa mga elitistang binabanatan ng mga tagahanga ni Duterte. Hindi opinyon ng isang conio na English-spokening.

Sinabi iyan ng isang magsasaka kay Jean: “Ang panggagahasa ay karahasan, ang pagbibiro tungkol dito ay paghihintay na may mangyaring karahasan.”

Laganap pa rin, dagdag ni Jean, ang pananaw na ang babae ay “gamit, kasangkapan, pang-aliw, parausan.”

At hindi lang sa mga mahihirap. “Maririnig din iyan sa mga inhinyero, abugado, mga galing sa mamahaling eskwelahan.”

“Ang mas masakit, kasama dyan kung minsan ang mga awtoridad, — mga pinuno sa pamahalaan. Di pa natatagalan nung ginawang pang-regalo ng tumatakbo sa pagka-Senador ngayon na si Francis Tolentino ang Playgirls.”

Sa mga lalaking mapurol na nga ang respeto sa kababaihan, aba e hulog ng langit si Digong.

At sa mga babaeng biktima ng paglalapastangan, ito ang nakakasindak na mensahe ni Mayor e, “Quiet na lang kayo ha. Kasi pang-joke lang ang nangyari sa inyo.”

“Magbibigay pa ng lakas ng loob sa mga nag-iisip na tama ang kanilang masamang iniisip tungkol sa mga babae. Ito rin ay magpapatahimik sa maraming kababaihang ginahasa dahil iisipin nilang pagtatawanan lamang sila.”

Hindi rin iyan galing sa mga elistang mahilig sa worsh worsh na pinag-iinitan ng mga Duterte fans. Galing iyan kay Josua Mata, isang labor leader na nakausap din ni Jean.

Malapit na ang eleksyon. Daming pinangako ni Duterte.

Na susugpuin daw niya ang lahat ng krimen.

Na wawasakin daw ang mga pwersa ng korupsyon.

Na gagawin daw niyang tahimik at maginhawa ang buhay sa buong Pilipinas.

Balikan ninyo lahat ng sinabi ni Mayor. Tapos sa bawat isang sinabi, sa bawat pangako, balikan ninyo rin iyong isa pa niyang sinabi: “Iyong mga gago, ganoon magsalita.”

Visit and Like the Kuwento page on Facebook at www.facebook.com/boyingpimentel

On Twitter @boyingpimentel

Like us on Facebook

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.
View comments

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS: anti-women jokes, Francis Tolentino, Jean Enriquez, Mayor Rodrigo Duterte, Playgirls, rape joke
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.


© Copyright 1997-2020 INQUIRER.net | All Rights Reserved

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.